Magsino1

DMW bubusisiin ni Magsino tungkol sa kalagayan ng mga OFWs

Mar Rodriguez Aug 8, 2024
102 Views

๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐——๐— ๐—ช), b๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐˜€๐˜‚๐—ฒ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€).

Sa panayam ng People’s Taliba, ipinaliwanag ni Magsino na ang ibig nitong sabihin na “bubusisiin” ay ang gagawin niyang pagsusuri sa mga naging achievements ng DMW sa mga nakalipas na buwan upang tignan kung karapat-dapat sila para sa hinihingi nilang budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Magsino, ang partikular na nais niyang tutukan sa nakatakdang pagharap ng DMW sa budget hearing ng Kongreso kasama na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay kung ano-ano na ang mga naging programa ng dalawang ahensiya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga OFWs kabilang na ang mga Pilipino Seafarers.

Winika ni Magsino na maaaring hilingin nito sa liderato ng Kamara ang pagkakaloob ng karagdagan at mataas na pondo para sa DMW at OWWA upang magamit para repatriation at emergency programs ng dalawang ahensiya para sa mga ililikas na OFWs pabalik ng bansa.

Sabi pa ng OFW Party List Lady solon, nais lamang nitong tiyakin na mayroong sapat na pondo ang DMW at OWWA upang agarang matulungan ang ating mga kababayan sa ibayong dagat na nasa bingit ng panganib o kaya naman ay kinakailangang makabalik agad ng Pilipinas.

Nabatid pa kay Magsino na tututukan din nito sa DMW ang nakakabahalang usapin patungkol naman sa kasalukuyang kalagayan ng mga OFWs na dumaranas ng mental health problem alinsunod sa kaniyang naging privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes noong Lunes (August 5).

Ipinahayag pa ng kongresista na isusulong din nito ang pagkakaroon ng mas mataas na pondo para edukasyon at training programs para naman sa mga Pinoy seafarers o Pilipinong tripulante. Ang pagkakaroon aniya ng “world-class” training at education ang magpapalakas sa kanilang kakayahan at kompetisyon sa larangan ng global maritime.