Donaire Donaire

Donaire hangad mabawi ang WBC title

Ed Andaya Jul 16, 2023
248 Views

PARA kay dating World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, kalabaw lang ang tumatanda.

Tatangkain ni Donaire na muling masungkit ang kampeonato ng WBC sa gagawing pakikipagsagupa laban kay Alexandro Santiago ng Mexico sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa July 3O.

Ang naturang title fight, na para sa vacant WBC bantamweight crown, ay bahagi ng blockbuster promotion na tinatampukan ng sagupaan nina Errol Spence at Terence Crawford para nanan sa welterweight championship.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling lalaban si Donaire, na may hawak na 42-7 record, kabilang ang 28 KOs, matapos mabigo sa mga kamay ni Naoya Inoue ng Japan sa second round ng kanilang rematch sa Saitama nung June 7, 2022.

Bago matalo kay Inoue, ang noon ay 38-year-old na si Donaire ay nagwagi laban kay Nordine Oubaali ng Moroccon sa fourth round para angkinin ang WBC bantanweight crown sa Dignity Health Sports Park sa Carlson, California nung May 29, 2021.

Dahil dito, ang Filipino fighter mula Talibon, Bohol ay tinanghal na oldest fighter na nanalo ng world championship sa naturang 118-pound division.

Nakatakda sanang harapin ni Donaire ang kababayang si John Riel Casimero sa isang unification bout nung August 14, 2021, subalit umayaw dahil sa mga concerns sa VADA testing.

Nagkaroon ng pagkakataon si Donaire na muling sumabak para sa korona matapos umakyat si Inoue sa super bantamweight division at iwanan ang kanyang bantamweight title.

Subalit haharapin ni Donaire ang matikas na Mexican rival.

Ang 27-year-old Mexican contender, na kilala din sa pangalang Peque, ay may tangang 27-3-5 record, kabilang ang 14 KOs.

Nanalo siya sa kanyang huling tatlong laban matapos mabigo sa majority decision na sagupaan kay Gary Antonio Russell sa Las Vegas nung 2021.

Maaalala din si Santiago sa kanyang controversial split draw laban sa isa pang Filipino champion na si Jerwin Ancajas sa kanilang 2018 IBF title fight

Matapos ang controversial split draw kay Ancajas fight, nagpakitang gilas muli si Santiago at nagtala ng 11-1 record.