Tapales

Boxing champ Marlon Tapales nag-courtesy call kay PBBM

168 Views

NAG-COURTESY call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si WBA at IBF world super bantamweight champion Marlon Tapales sa Palasyo ng Malacañang.

Nakasama ni Tapales sa pagbisita ang kanyang manager na si JC Manangquil ng Sanman Boxing, WBO world minimumweight champion Melvin Jerusalem, at MP Promotions President Sean Gibbons.

Tinalo ni Tapales ang dating undefeated na si Murodjon Akhmadaliev sa pamamagitan ng split decision kamakailan.

Si Tapales ay may rekord na 37-3 at 19 na knockout.