Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Sunog File photo ni JONJON C. REYES

Driver malubha matapos magliyab SUV sa EDSA

165 Views

MALUBHANG nasugatan ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na nagliyab sa EDSA-Ortigas flyover sa Quezon City noong Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, apat na firetruck ang nag-apula ng apoy dakong alas-9:12 ng gabi.

Nagtamo ng sunog sa dalawang binti ang 51-anyos na driver ng hindi agad makalabas ng sasakyan na nasusunog.

Walang nadamay na iba pang sasakyan sa insidente.