Digong4 Si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kuha ni VER NOVENO

Duterte: Reward totoo, minsan bigyan ko pa dagdag

94 Views

KINUMPIRMA ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng House Quad Committee na mayroon itong ibinigay na pabuya sa mga pulis.

Sa pagtatanong ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, hayagang sinabi ng dating pangulo na may insentibo sa law enforcement personnel nabahagi ng drug war mission.

“Reward? Correct. Very correct. Talagang totoo. At minsan bigyan ko pa dagdag,” sabi ni. Duterte

Una nang sinabi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, isang retiradong police colonel na malapit kay Duterte, na ibinase ang naturang reward system sa “Davao Model,” kung saan bahagi ang Davao Death Squad.

Isiniwalat niya na inatasan ni Duterte si dating National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo na ipatupad ang modelong ito sa buong bansa at bigyang pabuya ang mga pulis na tinatarget ang mga drug suspek.

Sabi ni Garma naglalaro sa P20,000 hanggang P1 milyon ang pabuya sa mga sankot sa iligal na droga na mapapatay.

Sinang-ayunan naman Leonardo ang pahayag ni Garma habang si Lt. Col. Jovie Espenido—na kilala bilang “poster boy” ng giyera kontra droga— una nang isiniwalat ang pagkakaroon ng reward system at tinukoy na nanggaling aniya sa jueteng, POGO, intelligence funds, small-town lottery. Ng PCSO.

Dumadaan ani Espenido ang pera sa matagal nang aide ni Duterte na ngayon ay Sen. Christopher “Bong” Go.

Paliwanag ni Duterte na nagbibigay siya ng pinansyal na suporta sa kapulisan na bahagi ng drug war dahil kailangan ito sa kanilang mga operasyon at kulang ang pondo.

“If there is an operation which is not funded by the police, you have to provide,” sabi ni Duterte kay Manuel.

“I sometimes gave extra as a reward,” aniya at sinabi na umaabot ito minsan ng hanggang P20,000.

Paguusig pa ni Manuel kay Duterte, kung ginamit rin pampondo sa pabuya. Ang confidential at intelligence fund ng Office of the President.

Tinanon din ni Manuel ang dating pangulo tungkol kay alias ‘Muking’ at kung bakit siya ang namamahagi umano ng pera sa naturang mga pulis.

Kinumpirma ni Duterte na si Muking ay dating nagta-trabaho sa Presidential Management Staff (PMS).

“Mr. Chair, bakit kinakailangan na isang [PMS] ang tagabigay ng pera? Saan po ba nagagaling ang pera na siyang ginagamit para sa reward system?” tanong ni Manuel

Si Muking na ang tunay na pangalan ay Irmina Espino at kinilala ni Garma bilang tauhan ni Sen. Go

Malaki ani. Garma ang papel ni Espino sa pinansyal na operasyon ng giyera kontra iligal na droga na humahawak sa transaksyon ng reward system bilang insentibo sa mga puli na papatay ng mga indibidwal na kasama sa. Drug list ni Duterte.

Nagtrabaho si Espino sa tanggapan ni Go sa Davao. City Hall noong alkalde pa lang si Duterte at kalaunan ay naging Assistant Secretary sa Malacañang nang maging Special Assistant to the President si Go.

Naging Undersecretary din siya hanggang sa matapos ang termino ni Duterte noong 2022.

Inusisa pa ni Manuel kung saan nanggaling ang pondo para sa kampaya kontra iligal na droga na posibleng hinugot sa intelligence funds ng OP

“The Peace and Order Fund, sa mga local government units natin, ‘yan po ay kinukuha mula sa confidential fund,” sabi ni Manuel

Ani Manuel, dahil sa pagiging confidential ng pondo ay hindi ito nasuri ng publiko at hindi nakahingi ng pananagutan.

Iniwasan ni Duterte ang tanong at ipinunto na ito ay confidential funds ay para protektahan ang interes ng seguridad ng estado.

“Kaya tinawag ‘yan, Sir, ng intelligence fund na confidential. Kaya huwag kang magtanong kung anong confidential ginawa ko,” tugon ni Duterte.

Pero hindi nito nasagot ang tanong ni Manuel tungkol sa pananagutan sa sinasabing panuya at posibleng paggamit ng pondo ng bayan.

Dahil sa pagkumpirma ni Duterte sa reward system ay lalong umigting ang pagkabahala sa pananagutuan sa drug war.

Kinuwestyon din ni Manuel ang pagiging bukas at ginawang pag-iingat sa pag-buo ng ginamit na listahan sa anti-drug operations.

“Lahat po ba ng mga high-value targets sa drug list na hindi na-vet, lahat po ba merong unlawful aggression na ginawa noong sila ay gustong tugisin ng pulis?” tanong ni Manuel kay Duterte para linawain kung ang mga indibidwal sa listahan ay dumaan sa tamang vettingo pagsusuri at sila ay ba ay tunay na banta.

Bilang tugon, sinabi ni Duterte na hindi niya personal na sinuri ang listahan at ibinigay ang responsibilidad sa mga pulis.

“The vetting responsibility was never mine,” sabi niya. “Do you expect me, as mayor or president, to personally verify each entry on the list?”

Ayon kay Manuel, ang pagiging confidential ng naturang pondo at reward system ay nagdulot ng kawalan ng transparency at nagbukas sa pang-aabuso.

“The fact na nakatago po ‘yan, ito po yung nangyari,” aniya sabay sabi na ang kawalan ng oversight o pagbabantay ay nauwi sa hindi makatwirang aksyon sa giyera kontra iligal na droga.