Calendar
Dy puspusan pagtulong sa mga kababayang sinalanta ng super typhoon Pepito
PUSPUSAN ang ginagawang pag-asikaso at pagtulong ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V para sa kaniyang mga kababayan na nasalanta ng super typhoon “Pepito” matapos manalasa ang naturang bagyo sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.
Nauna rito, nagkaroon ng “Pre-Disaster Assesment” ang Local Government Unit (LGU) ng Isabela sa pangunguna ng Munisipalidad ng Echague sa pamamagitan ni Echague Mayor Kiko Dy kasama ang PAGASA upang bumalangkas ng mga paghahanda para sa paghagupit ng super typhoon Pepito.
Ayon kay Dy, ang pangunahing tinalakay sa ginanap na pulong ay ang pagbabalangkas ng mga paraan para paghandaan ang posibleng epekto ng nasabing super typhoon.
Ipinabatid pa ng kongresista na sa kasagsagan ng super typhoon Pepito, itinaas sa Signal No. 2 ang ilang bahagi ng lalawigan.
Sabi pa ni Dy na ang Signal No. 2 ay itinaas sa southern portion ng Isabela na kinabibilangan ng Dinapigue, Cordon, Ramon, Alicia, Cauayan City, Angadaman, Santiago City, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, San Mariano at iba pang lugar.
Dagdag pa ni Dy na patuloy ang pamamahagi nila ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.