Calendar
Eagles hindi napigil ng Falcons
KUMALAS ang Ateneo sa second period upang durugin ang Adamson, 91-57, at mapalawig ang kanilang undefeated run sa 12 laro kagabi sa UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.
Sumalang sa laro na wala pang talo sa second round, binigyan ng Falcons ng matinding hamon ang Blue Eagles sa unang 10 minuto ng laro bago ibinagsak ng defending three-time champions ang 20-7 second quarter upang itarak ang 40-24 halftime lead at hindi na lumingon pa.
“I think second quarter was really telling in this game,” sabi ni Ateneo coach Tab Baldwin. “They got some rhythm but second quarter, everyone went there and dug in. Halftime, coaches came up with some good adjustments. A lot of credit has to go to our bench.”
Nagsalansan si naturalized center Ange Kouame ng 18 points, siyam na rebounds at limang assists habang nagsumite rin Matthew Daves ng 18 points para sa Eagles.
Napahaba rin ang kanilang perfect run sa 38 games na nagsimula pa noong October 2018, lumapit ang Ateneo ng dalawang panalo tungo sa pagsungkit ng outright Finals berth.
Ang pagkatalo ay siyang nagwakas sa four-game winning streak ng Adamson at bumagsak sa labas ng Final Four range na may 5-7 record.
Sa dalawang pagkatalo sa Eagles ngayon season, tinambakan ang Falcons ng pinagsamang 65 points.
Samantala, nagposte si Zavier Lucero ng 20 points at 14 rebounds nang maiselyo ng University of the Philippines ang nalalabing twice-to-beat slot sa Final Four sa pamamagitan ng 81-68 paggapi sa winless University of the East.
Bumawi ang Far Eastern University mula sa masamang third quarter shooting sa pamamagitan ng matinding pagpapamalas ng shotmaking sa payoff period upang madiskaril ang pagmartsa ng La Salle sa Final Four sa pamamagitan ng 67-62 tagumpay sa matinee.
Sa kanyang ikatlong double-double ngayong season, mainit si Lucero para sa Fighting Maroons, na naitala ang kanilang ika-10 panalo sa 12 asignatura.
Bago umabante sa Final Four sa tatlong sunod na seasons, nagawa lamang ng once-moribund UP na lumagpas lamang ng elims ng dalawang beses – 1997 at 1998.
Naghahanda na ang Maroons sa mas mabibigat na laban upang makabalik sa Finals, kung saan pumangalawa ang Diliman-based dribblers noong 2018 bago mawala sa sumunod na taon, idiniin ni coach Goldwin Monteverde na ang kanyang koponan ay nananatiling work in progress.
“Working pa rin kami as a team how to get ‘yung rhythm namin as a team, how to execute as a team which nakikita ko we’ve been doing for the whole game kanina,” sabi Monteverde.
Ang panalo, na siyang ikaanim sa 12 laro, ay siyang nagpalakas sa pag-asa upang makuha ng Tamaraws ang ika-siyam na sunod na Final Four berth, kung saan hawak nila ang one-game lead laban sa Falcons.
Hindi inasahan ng Green Archers, na bumagsak sa 7-5 sa ikatlong puwesto, si guard Schonny Winston dahil sa back spasms.
“At the half, yun ung sinabi ko sa kanila. We have to play 40 minutes of basketball to beat La Salle. We had a bad third quarter,” sabi ni FEU mentor Olsen Racela.
Hindi nakabuslo ang Tamaraws sa unang anim na minuto ng third period, kung saan nagawa ng Archers na maibagsak ang 13-0 run upang mabura ang 13-point halftime lead at makatabla sa 42.
Matapos hindi makakuha ng field goal sa third, nag-init ang FEU sa huling 10 minuto ng laro, kung saan bumira sila ng limang tres, kabilang ang kayPatrick Sleat na nagbigay sa Morayta-based dribblers ng kaluwagan sa 66-59, may 58.1 segundo ang nalalabi.
“Luckily in the fourth quarter, we stepped up on defense and executed on offense so nasuwerte rin kami because La Salle didn’t have Winston today so we just took advantage of it,” sabi ni Racela.
Iskor:
Unang laro
FEU (67) — Abarrientos 21, Torres 14, Sleat 10, Gonzales 9, Ojuola 4, Sajonia 3, Alforque 2, Tempra 2, Celzo 2, Sandagon 0, Bienes 0.
DLSU (62) — Nelle 15, Baltazar 13, Lojera 10, M. Phillips 7, Nwankwo 6, Nonoy 4, Austria 4, Cuajao 3, Manuel 0, B. Phillips 0, Cu 0, Galman 0.
Quarterscores: 25-15, 42-29, 47-49, 67-62
Ikalawang laro
UP (81) — Lucero 20, Rivero 17, Cansino 8, Tamayo 7, Eusebio 7, Diouf 6, Abadiano 6, Cagulangan 4, Fortea 4, Spencer 2, Calimag 0, Alarcon 0.
UE (68) — Antiporda 15, N. Paranada 13, Escamis 9, K. Paranada 8, Beltran 7, Sawat 4, Pagsanjan 4, J. Cruz 3, Villanueva 3, Lorenzana 2, Abatayo 0, Tulabut 0, Guevarra 0, Pascual 0, P. Cruz 0.
Quarterscores: 18-8, 44-26, 59-44, 81-68
Ikatlong laro
Ateneo (91) — Kouame 18, Daves 18, Koon 8, Ildefonso 7, Belangel 7, Padrigao 6, Tio 6, Verano 6, Mamuyac 6, Mendoza 4, Andrade 3, Lazaro 2, Gomez 0.
AdU (57) — Lastimosa 16, Manzano 8, Yerro 8, Douanga 6, Barasi 5, Hanapi 4, Sabandal 3, Peromingan 3, Colonia 2, Magbuhos 2, Jaymalin 0, Zaldivar 0, Maata 0, Fuentebella 0, Erolon 0, Calisay 0.
Quarterscores: 20-17, 40-24, 65-41, 91-57