Gatchalian

Ease of Paying Taxes Act hakbang para mapanatili paglago ng ekonomiya

227 Views

ITO ay isang mahalagang hakbang na susuporta sa aming layunin na mapanatili ang paglago ng ekonomiya dahil ang buwis ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng pamahalaan para sa mga mahahalagang proyekto at programa.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon na tayo ng isang batas na tutugon sa komplikadong pagbabayad ng buwis at magpapabilis ng proseso habang hinihikayat natin ang mga taxpayer na tuparin ang kanilang obligasyon,” sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, may-akda ng panukala.

Kasunod ang ratipikasyon ng bicameral conference committee meeting kung saan sumang-ayon ang mga miyembro ng Senado at House of Representatives na gamitin ang bersyon ng Senado bilang syang gagamiting reconciled bill.

Kabilang sa mga mahahalagang probisyon ng panukalang batas ang pag-exempt sa mga overseas Filipino worker na maghain ng income tax returns, ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means.

Sa ilalim ng panukalang batas, pinapayagan ang paghahain ng tax returns at pagbabayad ng mga buwis sa electronic na paraan o mano-mano sa alinmang awtorisadong bangko, o opisina ng revenue district office sa pamamagitan ng isang revenue collection officer o sinumang otorisadong tax software provider.

Maaari ring gamitin ang parehong paraan sa registration ng taxpayers nang hindi na kailangang magbayad ng P500 para sa taunang bayad sa pagpaparehistro, sabi ni Gatchalian.