EO para sa mas madaling pagnenegosyo sa bansa lalagdaan ni PBBM

243 Views

ISANG Executive Order (EO) ang lalagdaan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mas mapadali ang pagnenegosyo sa bansa at mapalaki ang Foreign Direct Investments (FDIs).

Iprinesinta ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukalang EO kay Pangulong Marcos na lilikha sa Green Lane for Strategic Investments. Tinukoy sa draft EO ang mga regulatory agency na nakikita umanong nagpapabagal sa pagpasok ng FDI.

“Malaking bagay ‘yun. That will address immediately ‘yung tinatawag na ease of doing business na laging nirereklamo sa atin,” ani Marcos. “Until we get to change the procedures… and to say that… baka ito hindi na kailangan, baka ito extraneous na ito, ito obsolete na ito, ganyan. You cut it down as much as we can.”

Saklaw ng EO ang lahat ng national government agencies (NGA) at kanilang regional at provincial office, local government units (LGUs) at quasi-judicial bodies na may kaugnayan sa pagbibigay ng permit at lisensya na requirement sa pagtatayo ng negosyo sa bansa.