Chiz

Escudero: VP Sara hindi tunay na kaibigan ng Kamara

68 Views

HINDI isang tunay na kaibigan si Vice President Sara Duterte sa House of Representatives.”

Ito ang tinuran ni Senate President Francis Chiz Escudero kung saan ay ipinunto niyang mukhang hindi katanggap tanggap kay VP Sara ang sumagot sa mga tanong ng miyembro ng Mababang Kapulungan at mukhang hindi rin aniya ito sanay na idepensa at bigyan ng pangangatuwiran ang budget ng kanyang opisina na regular na nangyayari sa taun-taun sa tuwinang hihingi ang bawat ahensiya ng kaukulan budget sa dalawang Kamara

Kamakailan ay pumunta si VP Sara sa Kongreso upang depensahan ang kanyang hinihinging budget para sa proposed 2025 budget sa opisina ng Bise President.

“Sa nakita natin na pinanood ko kahapon, tila hindi sang-ayon at hindi rin siguro sanay si Vice President Sara Duterte na tinatanong siya at hindi siya nasasang-ayunan,” ani Escudero.

Nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin sa sitwasyon na parehas ng nangyari sa Kamara ukol sa hindi pagtugon ni VP Sara Duterte, sinabi nitong wala siya sa posisyon upang magbigay ng anumang suhestiyon lalot pantay ang karapatan at kapangyarihan ng dalawang kongreso.

“Ayoko pong pangunahan at pakialaman ang istilo ng House pati sa kanilang proseso. May interparliamentary system po kami at respeto sa bawat isa.”

Nauna rito ay ipinagtanggol naman ni Sen. Escudero si Sen.Risa Hontiveros sa ginawang pagtatanong nito sa budget ni VP Duterte sa Senado kung saan ay ipinunto nito na tama lamang at nasa ayon ang ginawa ng senadora sapagkat ito ay tungkulin niya ayon sa batas.

“Wala po akong nakikitang masama sa ginawa ni Sen. Hontiveros. She is just doing her job as an elected senator,” dagdag pa ni Escudero.

Ang mainitang pagtatalo ni VP Duterte sa ilan miyembro ng Kamara ay nag ugat sa pagtatanong ng mga ito kung saan napunta ang kontrobersiyal na confidential funds niya sa taun 2022 at 2023 na hindi naman sinagot ni VP.