Pulis

Espenido: Maraming namatay dahil sa pang-aabuso ng pulis sa Duterte drug war

100 Views

UMABUSO umano ang mga pulis sa pagpapatupad ng madugong war on drug campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa quota at reward system.

Sa tugon ni Police Colonel Jovie Espenido sa pagtatanong ni Ako Bicol Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon, sinabi nito na nakalulungkot na maraming inosente ang namatay dahil sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga pulis.

Marami umano ang umabuso dahil sa pagiging gahaman sa pera.

“Kaya maski sino na lang trabahuhin, as long as nasa watchlist ka, your honors. But it’s very public knowledge naman dito na tayo nasiyahan sa ginawa. But then, inabuso ‘yun na ang problema sa war against illegal drugs, your honors,” sabi ni Espenido.

“It’s very impressive, your Honors, and very practical. And masabi ko your honors na marami ang nasiyahan. Because sa akin naman, hinanap na ‘yung source ng drugs. But then, very sad to say na ang nangyari, ‘yung mga biktima lang ang napatay, ‘yung mga pusher, user,” dagdag pa nito.

“Sa akin naman, your honors, I conclude na kawawa ‘yung mga naging biktima lang para lang makatanggap ng reward.”

“Your honors, its very, it’s very sorry to say that nag-take advantage, nag-take opportunity ‘yung mga masama na police para lang magkapera at saka maka-position… Sorry to say that,” sabi pa ni Espenido.

Nang tanungin ni Bongalon kung alam ni Espenido na maraming nagpoprotesta laban sa paglabag sa karapatang pantao noong nakaraang administrasyon ay positibo ang naging tugon nito.

“Yes, your honors,” sabi ni Espenido na nagpahayag din ng paniwala na nalabag ang karapatang pantao sa anti-drug campaign.