Sara Duterte

Estado ng edukasyon ng bansa walang makabuluhang pagbabago sa ilalim ni VP Sara

193 Views

WALANG umanong nagawang makabuluhang pagbabago si Vice President Sara Duterte sa sektor ng edukasyon upang mapataas ang kalidad ng edukasyon at mapabuti ang kalagayan ng mga estudyante, ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.

“Isa sa pangunahing hiling ng maraming mga guro at education personnel ay ang magkaroon ang Department of Education ng bagong kalihim na maka-guro, maka-estudyante at may tunay na karanasan sa sektor ng edukasyon,” ani Castro.

“Sa panahon na hinawakan ni VP Sara Duterte ang DepEd, walang nakita o naramdamang magandang pagbabago ang sektor ng edukasyon. Nananatiling mababa at hindi nakabubuhay ang sweldo ng maraming guro at kawani ng mga eskwelahan,” wika pa nito.

Ayon sa lady solon hindi maikakaila na mayroong krisis sa edukasyon ang bansa at patunay dito ang mababang assessment na nakukuha ng mga estudyante sa mga world forum.

Kamakailan ay lumabas ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan sa 81 bansa ang Pilipinas ay pangatlo mula sa pinakababa ng listahan para sa science, pang-anim mula sa pinakababa sa mathematics at pang-anim mula sa sa pinakababa sa reading.

“Nananatiling bagsak ang Pilipinas sa iba’t ibang international student assessment kagaya ng PISA,” saad pa ni Castro.

Marami rin umanong hamon na kinakaharap ang mga guro at tauhan ng eskuwelahan.

“Tuloy-tuloy rin ang panre-redtag at mga atake ng DepEd, sa pamununo ni Sara Duterte, sa mga guro at kawani na nagpapahayag ng kanilang mga panawagan at interes,” sabi ni Castro.

“Sa dami ng kinakaharap na problema ng sektor ng edukasyon, kailangan na ng bagong DepEd Secretary na siyang tutugon sa mga isyu na kinakaharap ng sektor,” dagdag pa nito.