Espinosa Espinosa: Balik ang Lindol.

Ex-champ Espinosa balik boxing ring

Ed Andaya Feb 26, 2022
635 Views

NAAALALA nyo pa ba si dating two-division world boxing champion Luisito Espinosa?

Si Espinosa, na mas lalong kilala sa tawag na “Lindol” sa panahon ng kanyang mahabang pamamayagpag mula 1984 hanggang 2005, ay magbabalik sa ring hindi bilang boksingero kundi trainer-coach.

Ang 54-taong gulang na si Espinosa ay magsisilbing trainer-coach ni Ronnie Baldonado sa kanyang nalalapit na kampanya para sa titulo ng WBA Asia Super Bantamweight category laban kay champion Carl Jammes Martin sa Marso 12 sa Elorde Sports Complex sa Parañaque.

Ang naturang sagupaan ay isa sa mga tampok na laban sa ilalim ng “Ultimate Knockout Challenge”, na itinataguyod ng VSP Promotions ni Ms. Cucuy Elorde.

“Nagpapasalamat ako na nabigyan uli ako ng pagkakataon na makasama si Baldonado sa kanyang laban kay Martin,” pahayag ni Espinosa sa kanyang pagbisita sa Games and Amusements Board (GAB) office sa Makati upang mag-apply ng lisensya kamakailan.

Unang nagpakitang gilas si Espinosa sa larangan ng boxing matapos pabagsakin si Khaokor Galaxy ng Thailand para sa WBA bsntanweight championship nun Oktubre 18, 1989.

Nasungkit niya ang kanyang ika- dalawang titulo matapos pataubin si Manuel Medina ng Mexico para sa WBC featherweight championship nun Disyembre11, 1995.

Hawak ni Espinosa ang impresibong record na 47 wins, kasama ang 26 knockouts, laban sa 13 talo bago siya tuluyang nag-retiro nung 2005.

Sa kanyang huling dalawang laban, natalo si Espinosa ng TKO laban kay Carlos Navarro ng United States sa Reno Nevada nung Hulyo 9, 2004, at Cristobal Cruz ng Mexico sa Stockton, California nung Pebrero 18, 2005.

Ang Tondo-born champion ay huling nakatikim na panalo laban kay Marco Perez ng Mexico sa Oakland, Calufornia nung Mayo 27, 2003.

Mapapanood din sa naturang Ultimate Knockout Challenge” ang sagupaan nina Charly Suarez at Tomjune Mangubat para sa WBA Asia Super Featherweight title, at Bienvenido Ligas at Roland Jay Biendima para sa Philippine Flyweight title.