Digong Si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kuha ni VER NOVENO

Ex-Pangulong Duterte: Ikinukuwentong naglaglag ng kidnapper sa helicopter hindi totoo

17 Views

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi totoo ang ikinukuwento nito na mayroon siyang inilaglag na kidnapper mula sa isang lumilipad na helicopter.

Sa pagdinig ng House Quad Committee noong Miyerkoles, sinabi tinanong ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang dating Pangulo kaugnay ng sinabi nito noong 2016 na lumabas sa malalaking pahayagan gaya ng The Washington Post.

“You said publicly and I quote: ‘If you are corrupt, I will fetch you using a helicopter to Manila, and I will throw you out. I have done this before, why would I not do it again?’” sabi ni Abante.

Tinanong ni Abante si Duterte kung sa palagay ba nito ay justified ang aksyong ito sa mga korap.

Sagot ni Duterte, “Hindi sir, hyperbole lang ‘yan sir. Hindi papayag ang piloto n’yan sir.”

Humingi ng paglilinaw si Abante sa sinabi ni Duterte kung ito ay totoo o biro lamang.

“So if you feel justified in doing it, can you please name to us the victim, sino po ‘yong tinapon niyo sa helicopter?” tanong ni Abante.

“Sinabi niyo po eh, I have done this before, why would I not do it again? Sino po ‘yong tinapon niyo, can you please name the victim?” dagdag pa nito.

Sinabi ni Duterte na kuwento lamang niya ito.

“Well sir sabi ko, storya lang. Para sa kriminal. Pero paano ko itapon ‘yan, buksan mo pa ‘yong… hyperbole nga,” giit ni Duterte.

Ang pahayag ni Duterte kaugnay ng paglalaglag ng tao sa helicopter ay isa sa mga sumikat na sinabi nito noong 2016.