Liza1 (Photos: First Lady Liza Marcos Facebook)

FL Liza Marcos sa PH film industry: Magkaisa, ipakita sa mundo na magaling ang Pinoy

Chona Yu Nov 14, 2024
85 Views

Hinikayat ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Philippine film industry na magkaisa para sa isang panibagong layunin na ipakita ang natatanging talento ng mga Filipino sa buong mundo.
Sa mensahe ni First Lady Marcos sa pagbubukas ng pansamantalang opisina ng Manila International Film Festival (MIFF), binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapakilala ng talento ng mga Filipino sa pandaigdigang entablado.

“The best way to help the movie industry is to tell the world that Filipinos are good, we’re talented,” the First Lady said, highlighting the need to elevate awareness of the country’s creative industry,” pahayag ni First Lady Marcos.

Ayon sa First Lady, ang pagpapalawak ng pag-unawa at suporta para sa industriya ng pelikula sa ibang bansa ay mahalaga hindi lamang para sa pag-unlad ng mga Filipino filmmakers kundi pati na rin para sa pagpapalaganap ng national pride.

Sinabi pa ni First Lady Marcos na ang susi para umunlad ang industriya ay ang pagkakaisa ng mga stakeholders upang mag-usap at mag-isip ng mga paraan para itaas ang antas ng lokal na pelikula.

“There are so many prestigious film festivals across the globe, such as Cannes and Sundance. Here in the Philippines, we have the Metro Manila Film Festival and the Manila International Film Festival (MIFF),” pahayag ni First Lady Marcos.

“The key is for industry stakeholders to come together, discuss, and explore ways to uplift the local film industry. It’s really about awareness and education,” dagdag ni First Lady Marcos.

Sumang-ayon naman ang kilalang creative industry professional na si Greg Garcia sa pananaw ng First Lady kung saan kinilala niya ang malaking impluwensya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang industriya sa buong mundo, kabilang na ang pelikula.

“OFWs are running the world right now. Their influence spans across industries, and that includes the global film landscape. Some of the best professionals in the movie industry are Filipinos, but they remain one of the best-kept secrets,” pahayag ni Garcia.

“We have the opportunity to literally give the world our best people. And when you give the world the best, they give their best in return. That’s how we raise the bar for the Philippine film industry,” dagdag ni Garcia.