Christina Frasco Sumuporta si DOT Secretary Christina Garcia Frasco sa Pasigarbo sa Sugbo 2024 matapos makiisa sa 455th founding anniversary sa lalawigan ng Cebu.

Frasco ibinahagi kahalagahan ng Pasigarbo sa Sugbo

Jon-jon Reyes Aug 26, 2024
72 Views

NAKIISA ang Department Of Tourism (DOT) noong Linggo sa pagdiriwang ng 455th founding anniversary ng Cebu at todo-suporta din sa Pasigarbo sa Sugbo 2024.

“Bilang isang Cebuano, masaya akong nakabalik sa aking sariling lalawigan ng Cebu upang ipagdiwang ang Pasigarbo sa Sugbo.

Isang mahusay na salamin ng ating pagkakakilanlan, ating kultura, ating pagmamahalan, ating lakas at pagkakaisa bilang mga Cebuano,” sabi ni DOT Secretary Cristina Garcia-Frasco.

“Sa pamamagitan ng Pasigarbo sa Sugbo, ipapakita natin sa buong mundo ang ating kwento, dahil ang mga taga-Cebu patuloy na magpapakita ng pagmamahal sa Cebu.

Sana maging matagumpay ang Pasigarbo Sa Sugbo ngayong taon at ipagpatuloy natin ang ating pagkakaisa at patuloy na ipakita sa buong mundo, na tayo laging Sugbo sa oras ng kaligayahan at sa panahon ng kahirapan, lagi tayong magkakaisa at laging magsasabing “Laban, Cebu!”

Sinabi ni Frasco na ang Cebu isa sa pinakamatibay na haligi ng industriya ng turismo, na nagtatagumpay sa mga natural na tanawin, kasiyahan, pagkain, kultura at komunidad na ipinagdiriwang ngayon at patuloy na umaakit ng patuloy na lumalagong bilang ng mga bisita.

Kasama ni Frasco si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, ang kanyang ina, Sen. Francis Tolentino, Deputy Speaker Duke Frasco, Deputy Speaker Camille Villar, Leyte 4th district Rep. Richard Gomez, Ormoc Mayor Lucy Torres-Gomez, at dating senador Manny Pacquiao sa pagdalo sa event.