Calendar
Frasco naging abala sa pagpe-preside ng session sa Kamara
๐ญ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ต๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ
๐๐๐๐๐๐ก๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฒ-๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ ๐๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด “๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ” ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐น๐ผ ๐ฎ๐ ๐ต๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด-๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐.
Ayon sa House Deputy Speaker, kabilang sa mga inaprubahan sa ginanap na session ng Mababang Kapulungan para sa ikatlo at huling pagbasa ay ang House Bill No. 10730 o ang panukalang batas patungkol sa modernization ng PHILVOCS.
Paliwanag ni Frasco, layunin ng naturang panukalang batas na maibsan ang matinding epekto ng nagaganap na sakuna (disaster) na gaya ng isang volcanic eruption, earthquakes, tsunami, malakas na bagyo, mga pagbaha at iba pang kahalintulad nitong sakuna.
Pinasalamatan nni Frasco si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa napaka-husay na pamamalakad nito sa Kamara de Representantes sa ilalim ng 19th Congress dahil sa pagkakapasa ng mga mahahalaga at makabuluhang panukalang batas na malaki ang naitutulong sa pag-unlad ng bansa.
Idinagdag pa ni Frasco na nilalayon din ng nasabing panukala na magkaroon ng upgrading sa mga kagamitan nito sa pamamagitan ng mga tinatawag na “state-of-the-art” equipments para maging accurate ang pagbibigay nito ng mga impormasyon. Kasama na dito ang pagkuha at pagsasanay ng mga PHILVOCS personnel at ang paglalagay ng mga seismic stations sa mga estratehikong lugar.
“Likewise, approved on final reading are several local bills that aim to provide better and improved government services in the country. Tuloy-tuloy ang paglilingkod ng Kamara para magpasa ng mga mahahalagang panukalang batas na makakatulong ng malaki sa ating bayan at sa mga mamamayang Pilipino,” sabi ni Frasco.