DOT Sa ngalan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, sinabi ni Undersecretary Ferdinand Jumapao na ang golf tournament nagpoposisyon sa Cebu bilang pangunahing golf destination na magdadala ng malaking benepisyo sa rehiyon.

Gala dinner para sa pambato ng PH sa WAGC ginanap ng DOT sa Liloan

Jon-jon Reyes Sep 8, 2024
37 Views

ISANG celebratory gala dinner ang isinagawa ng Department Of Tourism noong Sabado para sa mga Filipino golfers sa World Amateur Golfers Championship (WAGC) Philippines National Finals sa One Tectona Hotel sa Liloan, Cebu.

Sa ngalan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, sinabi ni Undersecretary Ferdinand Jumapao na ang torneo nagpoposisyon sa Cebu bilang pangunahing destinasyon para sa golf aficionados.

“𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘵𝘸𝘰-𝘥𝘢𝘺 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘯𝘢𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘪𝘴 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘢 𝘨𝘰𝘭𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵; 𝘪𝘵 𝘩𝘪𝘨𝘩𝘭𝘪𝘨𝘩𝘵𝘴 𝘊𝘦𝘣𝘶 𝘢𝘴 𝘢 𝘵𝘰𝘱 𝘨𝘰𝘭𝘧 𝘥𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘣𝘳𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘴𝘪𝘨𝘯𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘤𝘰𝘯𝘰𝘮𝘪𝘤 𝘣𝘦𝘯𝘦𝘧𝘪𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘳𝘦𝘨𝘪𝘰𝘯.

𝘉𝘺 𝘢𝘵𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘷𝘪𝘴𝘪𝘵𝘰𝘳𝘴 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘢𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥, 𝘸𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘮𝘰𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘊𝘦𝘣𝘶’𝘴 𝘣𝘦𝘢𝘶𝘵𝘪𝘧𝘶𝘭 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦𝘴 𝘣𝘶𝘵 𝘢𝘭𝘴𝘰 𝘣𝘰𝘰𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘤𝘢𝘭 𝘦𝘤𝘰𝘯𝘰𝘮𝘺.

𝘏𝘰𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘞𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘈𝘮𝘢𝘵𝘦𝘶𝘳 𝘎𝘰𝘭𝘧𝘦𝘳𝘴 𝘊𝘩𝘢𝘮𝘱𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱 𝘴𝘵𝘳𝘦𝘯𝘨𝘵𝘩𝘦𝘯𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘳𝘦𝘱𝘶𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘴 𝘢 𝘵𝘰𝘱 𝘥𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘮𝘢𝘫𝘰𝘳 𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘴.

𝘐𝘵 𝘧𝘰𝘴𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘯𝘦𝘸 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴𝘩𝘪𝘱𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘱𝘳𝘰𝘮𝘰𝘵𝘦𝘴 𝘤𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢𝘭 𝘦𝘹𝘤𝘩𝘢𝘯𝘨𝘦, 𝘦𝘯𝘳𝘪𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘯𝘩𝘢𝘯𝘤𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘳 𝘨𝘭𝘰𝘣𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨. 𝘛𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘭𝘭 𝘧𝘰𝘳 𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵,” dagdag ng opisyal.

Kinilala ni Jumapao ang papel ng partnership sa pagitan ng local government units at pribadong sektor para maging matagumpay ang event.

Bilang dagdag na suporta para sa golf tourism, si Mayor Aljew Frasco ng Liloan, ang host municipality, nagpaabot ng suporta sa event sa pamamagitan ni Liloan Councilor Margarita Frasco.

Ang WAGC Philippines National Finals tournament Champions ngayong taon na kakatawan sa bansa sa darating na 2024 WAGC World Finals kinabibilangan ng Division A champion na si Tootsie de Jesus, Division B Alan Alegre, Division C Janice Daef, Division D Pete Anthony Polo at Division E Willy Tee Ten.

Binigyan ng mga espesyal na gift bag ang mga nanalo sa raffle, na sumisimbolo sa pasasalamat at pagbabahagi ng pagmamahal ng DOT sa mga golfers ng Pilipinas.

Nagtipon ang mga mahilig sa golf sa event kabilang si Liloan Vice Mayor Darwin Apas, Batangas Vice Governor Mark Leviste, Batangas Vice Mayor Ronin Leviste, WAGC Regional Director for Asia Errol Chua, WAGC Philippines Golf Director Jesse Guerrero at Duros Group Chairman Rafaelito Barino.
Kasama ni Undersecretary Jumapao sa event sina DOT Office of Product Development of Golf Tourism and Special Projects Director Lyle Fernando-Uy, DOT Region 7 Chief Tourism Operations Officer Dr. Gelena Asis-Dimpas at iba pang opisyal at kawani ng DOT at WAGC.