Calendar
Frasco nagkaloob ng P1M donasyon para sa Sto. Niño chapel sa Cebu
𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗱𝗲𝗯𝗼𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗶𝗹𝗮𝗴𝗿𝗼𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗱𝗲 𝗖𝗲𝗯𝘂, n𝗮𝗴𝗽𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗥𝗲𝗽. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗽𝗶𝗹𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗱𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗲𝗯𝗼𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝗼𝗹𝗶𝗸𝗼 𝗯𝗮𝗴𝗸𝗼𝘀 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗱𝗶𝗻 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻.
Ayon sa House Deputy Speaker, karamihan sa mga Simbahan at Kapilya sa kanilang lalawigan ay naging bahagi na ng kasaysayan sa mga nagdaang panahon dahiil ang ilan sa mga ito ay itinatag noong panahon ng mg Kastila.
Dahil dito, sinabi ni Frasco na napakahalaga na mapanatili o ma-preserve ang mga Simbahang ito upang maging alala ng nagdaang kasaysayan at matunghayan din ng mga susunod na generasyon.
Ipinaliwanag ni Frasco na ang mga nasabing Simbahan at Kapilya ay hindi lamang lugar para palakasin o paigtingin ang pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino kundi ginagamit din ang mga lugar na ito bilang human shelter sa mga panahon ng pangangailangan.
Bunsod nito, ipinabatid ng mambabatas na nagkakaloob siya ng P1 million mula sa kaniyang personal na donasyon para sa Sto. Niño Chapel sa Luyang, Carmen bilang suporta nito sa mga Simbahan at Kapilya na nagsusulong din ng iba’t-ibang programa at proyekto.
Sabi din ni Frasco na nag-donate siya ng P30,000 sa San Agustin Church habang P370,000 ang ibinigay nito sa iba pang Simbahan at Kapilya.
𝗧𝗼 𝗚𝗼𝗱 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗹𝗼𝗿𝘆