Frasco1

Frasco walang “break” ang paglilingkod

Mar Rodriguez Oct 7, 2024
7 Views

Frasco2Frasco3Frasco4Kahit naka-bakasyon ang sesyon ng Kamara

PARA kay House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco, hindi siya maaaring “mag-break” o magbakasyon sapagkat hindi makakapaghintay ng kanyang serbisyo ang libo-libong mamamayan ng Cebu.

Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pamamahagi nito ng cash assistance para sa libo-libong residente o mga benepisyaryo sa kaniyang Distrito lalo na sa Danao City na nagkakahalaga ng P4 million.

Ayon kay Frasco, tinatayang nasa mahigit 619 residente ng Danao City ang nabiyayaan ng naturang cash assistance upang maggamit nila ang kanilang natanggap na ayuda para makapag-pundar ng kanilang sariling negosyo at maliit na kabuhayan.

Dagdag pa ng kongresista na makakatulong din ang halagang ito upang matustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Habang tiniyak
din ni Frasco na magpapatuloy ang pagbibigay nito ng serbisyo para sa kaniyang mga kababayan sa Cebu City partikular na ang mga mahihirap na pamilya.

“Kahit na naka-break ang session namin sa Kamara. Hindi naman ibig sabihin nito na kami ang magbabakasyon na rin. Tuloy-tuloy ang ating paglilingkod sa ating mga kababayan lalo na ang mga mahihirap na pamilya na nangangailangan ng ating tulong,” sabi ni Frasco.