FSL

FSL malaking tulong sa ekonomiya ng Dagupan

Jun I Legaspi Jun 13, 2025
46 Views

IBINALITA ng mga Saksi ni Jehova sa Pangasinan ang pinakamalaking Filipino Sign Language (FSL) event sa 2025 sa July 18-20 sa CSI Stadia, Dagupan City.

Sa isang press conference, sinabi ni Wilson Utayde, spokesman for Jehovah’s Witnesses, na bahagi ng isasagawang serye ng mga kombensiyon mula ngayong Hunyo hanggang Agosto ang FSL.

Tinatayang aabot sa 20,000 katao ang dadalo sa 3-day convention sa loob ng 3 buwan.

Inaasahang magiging maganda ang epekto ng FSL sa turismo at ekonomiya ng Dagupan City at mga katabing lungsod at bayan sa Pangasinan.