Calendar
PSC Commissioner at Batang Pinoy project director Bong Coo.
GenSan handa na sa Batang Pinoy


NAKAHANDA na ang General Santos City, na kilala rin bilang “Tuna Capital of the Philippines”, para sa nalalapit na 2025 Batang Pinoy National Games simula Oktubre 25
Ito ang pagtitiyak ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at project director Olivia “Bong” Coo payungkol sa pangunahing grassroots sports program ng bansa.
“We are more than ready. PSC will take charge,” paluwanag ni Coo sa nakalipas na press conference na ginanap sa Century Park Hotel sa Manila, kung saan dumalo din sina PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio at mga commissioners na sina Edward Hayco, Matthew Gaston, at Walter Torres.
Sinabi pa ni Coo, na isang World Bowling Hall of Famer, na ang nalalapit na edisyon ng Philippine Youth Games ngayong taon ay inaasahang magiging pinakamalaki at pinaka kapanapanabik.
“I’m proud to welcome you to what is shaping up to be our biggest and most exciting Philippine Youth Games,” dagdag ni Coo.
Tinatayang 19,000 kabataang atleta mula sa 101 lokal na unit ng pamahalaan (LGUs) ang inaasahang makikipag-kumpitensya sa multi-sports event na bukas para sa mga atleta na may edad 12 hanggang 17.
Unang ginanap noong 1999, patuloy na nagsisilbing mahalagang plataporma ang Batang Pinoy para matuklasan ang mga susunod na henerasyon ng mga talento sa sports.
Ayon kay Coo, may kabuuang 4,397 coach at 1,241 opisyal na nakarehistro, kaya’t umaabot na sa 24,713 ang kabuuang bilang ng mga delegado.
Binigyang-diin naman ni Gregorio ang mahalagang papel ng grassroots programs sa pagpapatatag ng pundasyon ng palakasan sa bansa at sa pagpapalaki ng mga susunod na kampeon.
“This Batang Pinoy is really and important and integral of sports development program in PSC. Galing tayo sa congress and sa susunod sa senate naman at isa lang ang tanong nila — share with us your national development program — from grassroots to the gold, from gold to greatness. That’s our national program,” ani ni Gregorio
“This is the biggest Batang Pinoy edition and we have to make sure it’s the best, too. If we don’t make it big, that’s not grassroots. For us, grassroots development is very important,”
Ibinunyag ng PSC Chairman ang mga bagong disenyo ng medalya at mga espesyal na gintong tropeo na ibibigay sa mga nangungunang lokal na yunit ng pamahalaan (LGUs) sa Batang Pinoy ngayong taon.
Isang natatanging tampok ng mga tropeo ay ang base nito—gawa sa kahoy na Lawaan na kinuha mula sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium na itinayo noong 1934.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng paligsahan, magkakaroon din ng sariling tropeo ang mga lalaking at babaeng atleta na may pinakamaraming medalya bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagtatanghal.
May kabuuang ₱15 milyon na premyong salapi ang ipamamahagi, kung saan ang nangungunang LGU ay makatatanggap ng ₱5 milyon.
Ang ikalawang puwesto ay makakatanggap ng ₱4 milyon, ikatlo ng ₱3 milyon, ikaapat ng ₱2 milyon, at ikalima naman ay makakakuha ng ₱1 milyon.

