Gerald

Gerald napangiti si Nanay Rovelyn

Vinia Vivar Jun 14, 2026
42 Views

Personal na dumalaw si Gerald Anderson sa wake ng pumanaw na Ateneo varsity player na si Rene Clert Baterbonia.

Ang Ateneo de Davao Blue Knights high school at college coach na si Jess Linus Evangelio (Coach Jess) ang nag-post ng larawan ng aktor habang nasa burol.

Sa picture ay makikita si Gerald at ang ina ni Rene na si Rovelyn Baterbonia.

Sa gitna ng matinding kalungkutang nadarama sa pagpanaw ng pinakamamahal na anak, makikitang nakangiti si Nanay Rovelyn sa larawan.

Sa caption ay nagpasalamat si Coach Jess sa aktor dahil napangiti nito, kahit sandali lang, ang ina ni Rene.

“Thank you so much Gerald Anderson gypa smile nimo mama ni Rene maski kadali,” ang mababasa sa caption.

Common knowledge na tubong-General Santos si Gerald habang si Rene ay taga-Agusan del Sur.

Bago ang aktor ay nauna nang bumisita si Claudine Barretto sa burol ng atleta sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Ayon sa aktres sa kanyang panayam sa media, nakikiramay siya sa pamilya ni Rene, lalo na nga sa ina nito na isang Claudinian.

“Sinusuportahan natin ang mga Claudinian. She’s a Claudinian,” ani Claudine.

“Very heavy. That’s all I can say,” sey pa ng aktres sa kanyang nararamdaman sa pagpanaw ni Rene.

“Nakikiramay tayo. Nakikiramay tayo sa pamilva,” saad pa niya.

Matataandaang nasawi si Rene at ang kapwa-atleta na si Divine Adili nang malunod ang mga ito habang nasa team building sa Aurora noong June 8.