Echo

EchoNine fans kilig sa pa-ayuda nina Echo at Janine

Vinia Vivar Jun 14, 2026
35 Views

Kahit late, humabol si Janine Gutierrez ng pagbati sa kanyang Instagram followers sa pagdiriwang ng Independence Day noong June 12.

Nitong Sabado lang nakapag-post ng pagbati ang aktres at iflinex kung paano nila ipinagdiwang ng boyfriend na si Jericho Rosales ang Araw ng Kalayaan.

Sa kanyang post ay ipinaliwanag ni Janine ang dahilan ng kanyang late greeting.

“Maligayang araw ng kalayaan, Pilipinas kong mahal!! here’s to hoping and working together towards a better Philippines for everyone. laban!!! 12 hrs late ang greeting ko, ig was down. I lab you, Pilipins!!!” sey ni Janine sa caption.

Kalakip nga nito ang reel kung saan ay makikitang nag-stroll sila ni Echo sa iba’t ibang lugar sa Maynila gamit ang motorsiklo na ang aktor ang nagmamaneho habang nakaangkas naman si Janine sa likod.

Dinaanan nila ang Intramuros, Manila City Hall, Jones Bridge, Manila Cathedral at iba pang mga lugar sa Maynila.

Makikita ring enjoy na enjoy ang magdyowa sa kanilang night ride around the city.

Kilig na kilig naman ang EchoNine fans sa pa-ayuda ng kanilang idolo.