Calendar
Ruru nangunang mag-congratulate sa pagbubuntis ni Rere
Magiging mommy and daddy na ang bagong-kasal na sina Rere Madrid at Kai Sotto dahil kasalukuyang nagdadalang-tao ang Kapuso actress sa kanilang first baby.
Inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita sa kanilang Instagram account kahapon, June 22.
Sa video na ibinahagi nila ay mapapanood ang mga reaksyon ng kani-kanilang pamilya at kaibigan, pati na rin ang pregnancy test na isinagawa ni Rere at ang sonogram ng kanilang baby.
Ayon sa mag-asawa, inilihim daw muna nila ang nasabing magandang balita.
“For a while, we’ve been living in our own little world. Holding onto a secret that made every day feel like an adventure.
“Every moment, every plan, every quiet smile. It was all for you. And now, we finally get to share it.
“WE’RE HAVING A BABY!!!” ang pahayag ng basketball superstar.
Dagdag pa ni Kai, “Our greatest adventure is just beginning, and you’re already the best part of it. Now, team GIRL or team BOY.”
Dinagsa naman ng pagbati ang mag-asawa at nanguna na nga sa nag-congratulate ang kapatid ni Rere na si Ruru Madrid.
“Congratulations Bunso at Bayaw! Mahal ko kayo,” sey ni Ruru.
Matatandaang ikinasal sina Rere at Kai nitong nakaraang Mayo sa isang garden wedding sa Alfonso, Cavite.

