Calendar
David Licauco
David umaming masaya sa buhay ngayon… todo-iwas pag-usapan rumored non-showbiz GF
SA tingin ng Kapuso actor na si David Licauco, malaki na ang in-improve niya mula nang pasukin ang showbiz matapos tanghaling first runner-up sa Mr. Chinatown pageant noong 2014.
Although aminado na mahiyain pa rin, noon daw ay ni hindi niya alam kung kaya niyang umarte sa harap ng kamera o kaya naman ay sumabak sa kahit na anong negosyo.
Sa launching kamakailan ng Bluewater Day Spa “Summer Unwind” campaign, ibinahagi ng aktor/negosyante ang mga natutunan niya sa pagdaan ng panahon: “If you know your goal and if you put in the work, stay consistent, disciplined, mari-reach mo yung goal, ’di ba?
“Sa personal naman, feeling ko I’m more stable now, more relaxed. Hopefully, nicer now to people kasi mahiyain ako dati, mahiyain pa rin naman now. Pero I feel, like, natuto na ako na maging medyo out there kasi I’m here, eh, I’m in showbiz, eh, so I have to adapt,” saad pa ni David.
Sa ngayon, common knowledge na meron na siyang ilang negosyong naitayo at pumatok din sa telebisyon bilang Pambansang Ginoo at kalahati ng BarDa tandem nila ni Barbie Forteza sa hit series na “Maria Clara at Ibarra.”
At malinaw kay David kung para saan ang pagpupursigi niya sa trabaho.
Aniya, “I think I’m preparing lang for my future, ’di ba? I think ever since naman open naman ako sa goal ko na for my future family to have a good life, ‘di ba? So siyempre, lahat ng aspeto ng buhay ko medyo planado naman na talaga, eh. Alam ko na gagawin ko this year, gagawin ko next year. Pero siyempre if may mga ibang opportunities, willing naman ako to adjust. Pero as of now, alam ko anong gagawin ko in the next five years, and adjust na lang accordingly.”
Busy man sa karera at negosyo, aminado si David na may oras pa rin naman siya sa pakikipag-date. Yun nga lang, mas gusto raw talaga niyang gawing pribado ang lovelife niya.
Nang uriratin ng press tungkol sa sightings sa kanila ng rumored non-showbiz GF niyang si Alex Manalang, ang sey ng binata, hindi siya aware rito.
“Ah, meron ba? Ah, talaga? Baka hindi ako yon,” sunod-sunod na pag-iwas ni David sa tanong.
Wala raw siyang masyadong maiku-comment dahil mas gusto nga niyang maging private ang usaping ito.
“Always naman private, always naman ako private,” diin pa ng aktor/negosyante.
Inusisa rin sa kanya ng press ang diumano’y pag-iisnaban nila ni Barbie sa opening ng franchise ni Alden Richards ng isang fast food chain.
“Hindi naman,” panimulang paliwanag ni David, “nagpansinan naman kami. I think ano lang, nahiya lang ako kasi late ako nu’n, eh.”
Basta, paniniguro ng aktor, happy siya ngayon.
“Happy ako sa lahat… na hindi na ’ko masyadong nag-o-overthink. Mas relaxed ako sa life ko ngayon, stable. Yes, balanced, sa personal life and showbiz, pati sa business. Parang I’m not chasing anything. I know who I am,” katwiran niya.
Anyway, maliban kay David, present din sa Bluewater Day Spa “Summer Unwind” launch ang kapwa-ambassadors niyang sina Fabio Ide, Teejay Marquez, Janeena Chan at Ellen Frojd.
Nag-participate ang limang endorsers sa interactive games kasama ang press at binigyang highlight ang ilan sa sought-after BlueWater Day Spa services tulad ng Chiang Mai Massage, restorative Thai Yoga Massage at advanced 5D Laser Treatment.
Ayon kay BlueWater Day Spa President/CEO Mary Simisim, dapat lang bigyang halaga ang wellness ng bawat isa dahil essential na parte rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pagpo-pause, pagre-recharge at pag-a-unwind.

