Police Lt.Col. Donelle Brannon Kinakausap ni Police Lt.Col. Donelle Brannon ang suspek na natimbog sa isinagawang follow up operation ng MPD Sta Ana Station 6 sa Paco, Maynila..

Ginang nakaladkad ng hablutin CP sa Paco, suspek timbog

Jon-jon Reyes Sep 25, 2024
34 Views

NAWALAN nang panimbang at nakaladkad ang isang 59-anyos na ginang nang hablutin ang hawak nitong cellular phone ng binatang nakamotosiklo Martes ng hapon sa Paco,Manila.

Inatasan ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng MPD Sta Ana Station 6, ang kanyang mga kapulisan na magsagawa ng follow-up operation at maglatag na back tracking ang San Andres Bukid Police Community Precinct na nagresulta naman sa pagka-timbog sa suspek na nakilalang si alyas “Kevin”,jobless, ng Batangas Line,San Andres Bukid.

Base sa ulat nina Police Staff Sargent Carlo Flores, Police Corporal Renz Mark Ubay at Patrolman Evander Clores, naka-assign sa San Andres PCP,nawalang ng panimbang ang biktima at muntik na itong masagasaan sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente bandang 4 p.m.

Agad na humingi ng tulong ang ginang na mabils namang umaksyon ang mga awtoridad at sa tulong ng CCTV sa lugar ng pinangyarihan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code ang suspek.