Tulfo

Gng. Caridad Teshiba Tulfo, 97

44 Views

MABIGAT sa puso na ipinababatid ng pamilya Tulfo na ang kanilang pinakamamahal na ina na si Gng. Caridad Teshiba Tulfo, ay sumakabilang buhay na kahapon, Agosto 27, sa edad na 97, dahil sa natural na kadahilanan, at ngayon ay kapiling na ng ating Panginoong Maykapal.

Inulila ni Mommy Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Jr. , Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin at Edel, gayundin ang kanyang mga manugang, at mga apo.

Para sa mga nais na makiramay sa pamilya, si Mommy Caring ay maaaring masilayan sa Sanctuarium, na matatagpuan sa kanto ng Araneta at Quezon Avenue, Quezon City, simula sa Miyerkules, Agosto 28, ganap na alas-6:00 ng gabi.

Ang kanyang mga labi ay ihihimlay naman sa Heritage Memorial Park, Taguig sa Linggo, Setyembre 1, ganap na alas-11:00 ng umaga.

Hiling ng pamilya, na sa halip na magpadala ng mga bulaklak, ay maaaaring magkaloob na lamang ng donasyon sa mga religious/ charitable institution ng kanilang ina na kinabibilangan ng:

1. Account Name: Emmanuel Servants of the Holy Trinity Foundation Inc.
Bank: Chinabank
Acct: 1500342115

2. Account Name: Providence
Home of St. Joseph – Davao
Inc.
Bank: BPI
Acct: 0009433-0722-32