Richard Gordon

Gordon binira si VP Sara ukol sa confi fund

Mar Rodriguez Sep 2, 2024
88 Views

IPINAGTAKA ni ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ “๐——๐—ถ๐—ฐ๐—ธ” ๐—š๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ผ๐—ป kung bakit kailangang dalawang confidential fund ang nasa pag-iingat ni ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ: i๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ-๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ (๐—ข๐—ฉ๐—ฃ) ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ) ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ.

Sa panayam ng programang ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—ฅ๐—˜๐—–๐—”๐—ฃ, ipinaliwanag ni Gordon na sa mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan sa larangan ng legislation, ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na isang Kalihim ang tumatangging makipag-kooperasyon sa isinasagawang budget hearing sa Senado at Kongreso.

Ang pahayag ng dating senador ay patungkol sa kontrobersiyal na pag-uugaling ipinamalas ni VP Sara Duterte sa budget briefing sa Senado at sa House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed national budget ng OVP.

Sabi ni Gordon na ang budget deliberations sa Senado at Kongreso ang pagkakataon ng mga mambabatas na himayin at busisiing mabuti kung papaano ginastos ng mga Cabinet members o Department heads ang kanilang taunang budget na ioinagkatiwala sa kanila at kung ano-ano ang kanilang mga pinagka-gastusan.

“Itong budget hearings are only the time the senators and the congressmen can confront the members of the Cabinet for their shortcomings or for their inability to spend the funds given to them and trusted to them properly and that is the task of Congress to make sure that all appropriations are properly explained,” paliwanag ni Gordon.

Gayunman, pagdidiin pa nito na kung ang isang Cabinet official o isang mataas na opisyal ng gobyerno tulad ni VP Sara ay tumatangging ipaliwanag kung papaano nito ginastos ang kanilang taunang budget. Ang kongklusyon aniya nito ay posibleng mayroon itong itinatago o kaya naman ay nakagawa sila ng kamalian (anomalya) sa paggastos nito sa pondo ng kanilang tanggapan.

Sinabi pa ni Gordon na napakahirap talaga aniyang ipaliwanag ang usapin patungkol sa “confidential fund” sapagkat nakakapagtaka aniya kung bakit magkakaroon ng CF ang Bise-Presidente gayong bahagi na siya ng Office of the President (OP) kung saan nasa pag-iingat ng opisinang ito ang lahat ng confidential fund.

Ayon pa sa dating mambabatas, hindi pa nakuntento si VP Sara sa CF na nasa OP dahil kinailangan pa nitong humingi ng confidential fund para DepEd noong siya pa ang Kalihim nito.

“Mahirap kasi ipaliwanag yung confidential funds. Magtataka ka bakit magkakaroon ng confidential fund yung Vice-President. She’s already part of the Office of the President which has all the confidential fund. Pagkatapos humingi pa siya sa DepEd ng confidential fund,” wika ni Gordon.

๐—ง๐—ผ ๐—š๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜†