BBM

Gratuity pay ng Medal of Valor Awardees tinaasan ni PBBM

217 Views

Itinaas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gratuity pay ng mga Medal of Valor Awardees ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa Pangulo ito ay bilang pagkilala ng administrasyon sa kanilang ipinamalas na kabayanihan.

Sa kanyang speech sa selebrasyon ng ika-88 founding anniversary ng AFP, sinabi ni Pang. Marcos na ang pagtataas ay batay sa rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) at AFP.

“This will provide them with a tangible – this will provide our heroes with a tangible and a meaningful reward, highlighting our commitment to support and to honor our war heroes,” ani Pang. Marcos.

“I look forward to more decades of the AFP’s excellent and selfless service to the nation, especially now that we are transforming our country into ‘Bagong Pilipinas’ that is rightfully due to our people,” dagdag pa nito.

Kinilala ni Pang. Marcos ang kontribusyon ng mga tauhan ng AFP sa pagtiyak ng seguridad ng bansa at sa paglaban sa mga masasamang elemento ng lipunan.