De Leon

Gun ban ipatutupad para sa SONA

211 Views

MAGPAPATUPAD ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) mula Hulyo 22 hanggang 27 bilang bahagi ng inilalatag sa seguridad para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay PNP Director for operations chief Police Major General Valeriano de Leon ang gun ban ay inaprubahan na ni PNP officer-in-charge Lieutenant General Vicente Danao Jr.

Lahat ng permit to carry firearms outside residence ay suspendido sa mga nabanggit na araw.

Ayon sa PNP aabot sa 15,000 pulis, sundalo at force multiplier ang ipapakalat sa Hulyo 25 para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng SONA.