Sara

Hamon ni VP Sara sa mga taga-Capiz: Patatagin turismo, disaster preparedness

185 Views

HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga lokal na opisyal sa Capiz na patatagin ang sistema kaugnay ng turismo, disaster preparedness, at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.

“I encourage our local leaders to strengthen mechanisms that will bolster your tourism potentials — and at the same time, build up the capacities of other sectors important in your economic growth,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa ika-122 Founding Anniversary at Maragtas Cultural Parade sa Capiz Provincial Capitol.

Iginiit din ni Duterte ang kahalagahan na matugunan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga residente nito.

“Our common vision is to see that growth is inclusive and that we are able to address the needs of vulnerable sectors in our society,” ani Duterte.

Ipinaalala rin ni Duterte ang kahalagahan na mapalakas ang disaster preparedness at maging resilient ang mga komunidad sa pagbabago ng panahon lalo at madalas daanan ng bagyo ang kanilang probinsya.

“Paparating na po ang bagyo. Let us take the opportunity to prepare, educate and train our communities on disaster risk reduction focusing on mitigation, preparedness, response, and recovery,” sabi pa ni Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd).

Hinimok din ng Bise Presidente ang mga magulang na tiyakin na pumapasok sa mga paaralan ang kanilang mga anak at tumulong sa paglaban sa lokal na terorismo.

“Ilayo po natin ang ating mga anak sa kapahamakan. Nanawagan po ako sa inyong lahat na mga kababayan ko na paniguraduhin natin na ang ating mga anak, ating mga apo, ating mga pinsan, mga kapitbahay, mga kaibigan — ay pumapasok po sa paaralan. Ilayo po natin sila sa insurhensiya, terorismo, ilegal na droga, at kriminalidad,” dagdag pa ni Duterte. “Ang susi po ng tuloy-tuloy na kaunlaran ay edukasyon.”