BBM1

PBBM personal na kinumusta mga apektado ng oil spill

111 Views

PERSONAL na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga residente sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill.

Pinangunahan ng Pangulo ang isang situational briefing patungkol sa epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro kasama ang mga opisyal ng mga kaugnay na ahensya at lokal na gobyerno ng probinsya.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development nasa 140,728 family packs na ang naipagkaloob na sa lugar.

Ito ay bukod pa umano sa mahigit 25,000 na pamilya na natulungan sa ilalim ng cash-for-work program katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ibinahagi din ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsagawa na ito ng pagsusuri sa tubig at mga lamang dagat at nagkaroon na din ng mga programang pangkabuhayan. Patuloy din ang paglilinis sa mga coastal areas ng probinsya.