Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Rep. Zia Alonto Adiong Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong

Hindi pagiging makasarili ni PBBM tumingkad sa drama ng pamumulitika ni VP Sara — Rep Adiong

32 Views

LALONG tumingkad ang hindi pagiging makasarili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hiling nito sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na huwag i-impeach si Vice President Sara Duterte sa kabila ng madramang pamumulitika nito.

“The President is laser focused in addressing the most pressing issues of the nation,” sabi ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng House ad hoc committee on Marawi rehabilitation and victims compensation.

Makikita umano ang pagkakaiba ng dalawa— ang Pangulo ay inuuna ang kapakanan ng taumbayan samantalang ang isa ay nangingibabaw ang personal na interes.

“There is a striking contrast between the character of the President who is looking out for the welfare of the Filipino people and putting the interest of the country first,” punto ni Adiong.

“And the VP who seems to evade accountability by threatening the security of the highest officials of government,” giit pa ng kongresista na ang pinatutungkulan ay ang banta ni Duterte sa buhay nina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon pa sa lider ng Young Guns ng Kamara, si Duterte mismo ang gumawa ng kanyang mga problema nang tumanggi siyang lisanin ang Kamara matapos niyang dalawin ang kanyang nakadetineng chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez, na pinalaya ng House Blue Ribbon panel noong huling bahagi ng hapon ng Sabado.

Patuloy na binabalewala ni Duterte ang mga imbitasyon ng House committee on good government and public accountability upang kanyang maipaliwanag ang paggastos sa kabuuang P612.5 milyong confidential funds noong 2022 at 2023 na nasa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na dati nitong pinamumunuan.

Kung hindi dumadalo si Duterte sa mga pagdinig ng komite, nagawa naman nitong dalawin si Lopez nang makulong ito.

Nang magdesisyon ang mga miyembro ng komite na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, lumabas sa isang press conference si Duterte at sinabi na mayroon itong kinausap upang patayin ang First Couple at si Speaker Romualdez.

“So, let’s make this very simple: When the President is killed, who will take over?” tanong ni Adiong at binanggit na hindi na kailangan ng siyentipiko upang maunawaan ang mga reklamo ni Duterte na paulit-ulit na ibinabato sa nakaraang linggo.

“A threat is a threat no matter what, even if it’s perceived to be conditional. The intent is there, the plan to kill the President was made in public. And she uttered ‘no joke’ not once, but twice. What can be clearer than that? Filipinos are not stupid,” giit nito.