Erwin Tulfo

Hindi sapat ang P40 wage increase sa NCR, ayon sa ACT CIS

197 Views

HINDI sapat ang P40 daily wage increase ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) kumpara sa mataas na pamumuhay o “high cost of living” ngayon sa Metro Manila.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa isang media interview.

Ani ACT-CIS 3rd Nominee Rep. Tulfo, “kulang ang umento kasi hindi nga sasapat na pambili ng isang litro ng gasolina ang P40 kung nagmomotor yung manggagawa araw-araw”.

Dagdag pa ng bagong miyembro ng ACT-CIS Partylist, “pero siyempre tinignan din siguro ng National Wage Board and kakayahan ng mga employer kung hanggang magkano lang ang kaya nila dahil halos katatapos lang ng pandemic and they (employers) are trying to recover pa”.

“Ganun pa man, kahit maliit ang umento, nakikita natin na prayoridad din ng Marcos Administration ang kapakanan ng mga manggagawa dahil tinutupad niya mga binitiwang pangako noong halalan na pagtataas kalidad ng buhay ng mga manggagawa at pamilya nito”, ani Cong. Tulfo.

Pakiusap na lang ng mambabatas sa mga employer, “kung kaya naman ng ibang employer o kumpanya na magbigay ng dagdag incentive tulad ng pamasahe o pang-gasolina…mas maganda siguro”.

“Ssang-ayon ang ACT-CIS sa hinihingi ng mga labor groups na P150 across the board wage increase, pero syempre dapat balansehin din kung kakayanin ito ng mga kumpanya,” pahabol ni Tulfo.