HIV

HIV cases bumubulusok muli — solon

274 Views

INIHAYAG ng isang party list congressman na sa kasagsagan ng pamumuksa ng COVID-19 pandemic, bumubulusok na naman ngayon ang bilang ng mga Pilipinong mayroong sakit na Human Immuno-deficiency Virus (HIV).

Nagbabala si Anakalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T. Defensor na sa gitna ng pagka-abala ng mga medical doctors at iba pang frontliners bunsod ng COVID-19, bigla naman tumaas ang bilang ng mga Pilipinong mayroong HIV.

Sinabi ni Defensor na ito ay dahil na rin sa pagkaantala ng health services para sa mga taong mayroong HIV.

Ito ay dahil halos lahat ng ating mga doktor at nurses ay nakatutok at abala sa mga pasyenteng kinapitan at nahawahan ng COVID-19, aniya.

Ayon sa kongresista, umabot ng 12,341 ang bagong kaso ng mga Pilipinong nahawahan ng HIV mula 2021 kung saan tumaas ng 54% mula sa 8,036 ang kaso ng HIV patients noong 2020.

Pinangangambahan ng party list solon na baka umabot sa 100,000 ang panibagong kaso ng mga HIV patients sa loob lamang ng anim na buwan o kalahati ng taong 2022.

“Last year’s new infections brought to 94,337 the aggregate number confirmed cases in the National HIV-AIDS Registry. Kailangan ma-address agad ang problemang ito dahil lolobo ito sa 100,000 kung hindi natin ito aagapan,” ayon sa mambabatas.

Nababahala din si Defensor na posibleng hindi basta-basta magagamot ng mga doktor ang mga pasyenteng mayroong HIV dahil narin sa komplikasyon nito na maaaring maka-apekto naman sa mga pasyenteng may COVID.

“Right now, only 63% of the cases are receiving treatment. Which is way below the 90% target,” ani Defensor.

Ni MAR RODRIGUEZ