Madrona

House Committee on Tourism ikinagalak PH bilang Asia’s Leading Diving Destination

Mar Rodriguez Sep 19, 2023
222 Views

Madrona1

Madrona2
Makikitang pinangungunahan ng chairman ng House Committee on Tourism at Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro “Jesus” Budoy F. Madrona ang Energization and Switch-on Ceremony na ginanap sa Sitio Binoog, Barangay Victoria San Andress, Romblon sa ilalim ng 2022 Sitio Electrification Program (SEP) ng Department of Energy (DOE). Kasabay nito ang pagsasagawa ng “induction ceremony” apara naman sa mga bagong opisyales ng Barangay Power Association (BAPA).

IKINAGAGALAK ng chairman ng House Committee on Tourism ang nakamit na karangalan ng Pilipinas bilang “Asia’s Leading Dive Destination” matapos nitong mapagwagian ang dinaos na “World Travel Awards” (WTA) na kumikilala sa bansa bilang pangunahing diving destinations.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro “Jesus” Budoy F. Madrona, chairperson ng House Committee on Tourism sa Kamara, na isang malaking karangalan at nakakataba ng puso ang panibagong pagkilala sa Pilipinas bilang nangungunang diving destination sa buong Asya.

Ayon kay Madrona, ang tagumpay na nakamit ng Pilipinas matapos nitong pagwagian sa limang sunod-sunod na pagkakataon ang WTA bilang “Asia’s Leading Diving Destination” ay nagpapakita lamang kung gaano kaganda ang iba’t-ibang diving sites sa bansa na nagpapa-engganyo sa mga divers at dayuhang turista.

Ipinaliwanag din ni Madrona na ang tagumpay na nakamit ng Pilipinas ay isang malinaw na testimonya din na talagang committed ang pamahalaan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na magkaroon ng sustainable tourism development na lalo pang magpapa-igting sa turismo ng Pilipinas.

Binigyang diin ng kongresista na ang tinatamasang tagumpay ng bansa sa larangan ng Philippine tourism ay dahil narin sa mahusay na pamamalakad at liderato ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco bujod pa dito ang mahusay na “sales talk” ng Kalihim.

Nauna rito, pinangunahan nina House Deputy Speaker at Cebu City 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco kasama ang kaniyang may-bahay na si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang pagdiriwang ng ika-tatlong North Mindanao Dive Festival na ginanap sa Misamis Oriental.

Samantala, pinangunahan ni Madrona ang Energization and Switch-on Ceremony na ginanap sa Sitio Binoog, Barangay Victoria San Andress, Romblon sa ilalim ng 2022 Sitio Electrification Program (SEP) ng Department of Energy (DOE). Kasabay nito ang pagsasagawa ng “induction ceremony” apara naman sa mga bagong opisyales ng Barangay Power Association (BAPA).