Frasco Photo: Screengrab for Department of Tourism-Philippines Facebook account

3rd NorthMin Dive Festival sa Misamis Or. ipinagdiwang

Mar Rodriguez Sep 14, 2023
131 Views
Frasco1
Photo: Screengrab for Department of Tourism-Philippines Facebook account

Pinangunahan nina Rep. Frasco, Sec. Frasco

PINANGUNAHAN nina House Deputy Speaker at Cebu City 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco kasama ang kaniyang may-bahay na si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco ang pagdiriwang ng ika-tatlong North Mindanao Dive Festival na ginanap sa Misamis Oriental.

Ayon kay Congressman Frasco, ipinagdiwang ang “Dive Festival” kasabay ng Underwater Shootout na ginanap naman sa bayan ng Media sa nasabing lalawigan na nagsimula noong September 8, 2023.

Ipinaliwanag ni Secretary Frasco na ang paglulunsad ng “Underwater Shootout” ay naglalayong mas mapalakas ng Tourism Department ang position ng Pilipinas patungkol sa larangan ng scuba diving at makahikayat din ng iba’t-ibang turista na mahilig sa ganitong sports.

Sinabi ni Sec. Frasco na maraming mga lugar sa Pilipinas ang magandang pagdarausan ng scuba diving. Kabilang na dito ang lalawigan ng Batangas, Palawan, Zambales, Romblon, Boracay, Malamawi sa Basilan at Cebu City.

Ipinahayag din ni Congressman Frasco na ang paglulunsad ng “Dive Festival” ay isang napakagandang pagkakataon o oportunidad para ipakilala sa mga lokal at dayuhang turista na ang scuba diving ay isang nakaka-aliw o enjoyable “tourism activity” na pamamaraan din para mas lalong umangat ang Philippine Tourism.

“The festival’s ultimate objective is to present diving as an exciting and enjoyable tourism activity that provides an experience that is not only physical active but may also be environmentally and artistically inclined.” sabi ng kongresista.