Madrona

House Committee on Tourism pinuri si PBBM dahil sa pagbibigay priority sa tourism sector

Mar Rodriguez Dec 4, 2023
193 Views

Madrona saludo kay Sec. Frasco sa pagdagdag ng TRA

PINURI ng chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa pagbibigay priority sa tourism sector na nag-resulta sa bilyon-pisong ganansiya o kita ng bansa.

Sinabi ni Madrona na dahil sa ipinapakitang malasakit o effort ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang Philippine tourism aniya ang itinuturing na pangalawa sa pangunahing saligan o batayan ng “economic growth” dahil sa narin sa ginagawang pagtutuok ng Punong Ehekutibo sa tourism sector.

Ipinabatid ni Madrona na batay din sa datos ng Department of Tourism (DOT), tinatayang nasa P404 billion ang naging kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon. Habang umabot naman sa 99% ang inaasam o goal na 4.8 million tourist arrivals ngayong 2023.

Binigyang diin ng kongresista na pinatutunayan lamang nito na ang Philippine tourism ang nananatiling pinakamatibay na haligi o ang tinatawag na “strongest pillars” ng ekonomiya ng Pilipinas batay narin sa naging mismo ng mga economic managers ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Madrona na kung magtutuloy-tuloy ang suporta ng Pangulong Marcos, Jr. sa sektor ng turismo ay hindi malayong mas lalong uunlad ang Philippine tourism sa darating na hinaharap sa pamamagitan ng mga programang lalong magpapa-engganyo sa mga dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas.

Kasabay nito, pinapurihan din ni Madrona si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa pagdadag-dag nito ng Tourist Rest Area (TRA) sa Luzon, Visayas at Mindanao (VisMin) na isang pamamaraan para maramdaman ng mga dayuhang turista na welcome sila sa Pilipinas.