Bryan Co

MIAA nagbabala sa publiko laban pekeng post sa social media

103 Views

NAGBABALA ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko kaugnay ng pekeng online account sa Facebook na nagsasabi na kanilang ibinebenta ang mga nawalang bagahe.

Ayon sa MIAA mayroon itong protocol kaugnay ng mga naiwan o nawalang bagahe gayundin ang mga airline operator at hindi umano totoo na ibinebenta ang mga ito.

“We appeal to everyone to be extremely careful and vigilant when browsing through the internet. Always exercise caution when engaging with online sellers. Do not be easy targets of scammers,” ani MIAA Officer-in-Charge (OIC) Bryan Co.

Para sa opisyal na anunsyo ng MIAA, maaari umanong pumunta sa official account ng nito: https://www.facebook.com/MIAAGovPH, X (formerly Twitter), Instagram at TikTok accounts @MIAAGovPH.