Frasco

House Deputy Speaker Duke Frasco, asawang si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco nagpasaya ng 700 Kabataan matapos mamahagi ng regalo ngayong Pasko

Mar Rodriguez Dec 14, 2023
215 Views

Frasco1Frasco2Frasco3BIGAY TODO ang paglilingkod ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ngayong panahon ng Kapaskuhan kasama ang kaniyang may-bahay na si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco partikular na para sa mga Kabataan sa kanilang lalawigan.

Walang mapagsidlan ng labis na kaligayahan ang 700 Kabataan sa Liloan Cebu matapos mamahagi ng regalo ang mag-asawang Frasco sa pamamagitan ng “Pasko sa Kabataan” celebration.

Sinabi ni Congressman Frasco na ang panahon ng Kapaskuhan ang natatanging araw para iparamdam sa mga Kabataan ang pag-ibig, pagmamalasakit at pagkalinga ng pamahalaan sa pamamagitan nilang mga opisyal sa gitna ng usapin ng “mental health” na kinakaharap ng ilang Kabataang Pilipino.

Ayon kay Frasco, ang panahon ng Kapaskuhan ang espesyal na araw para sa mga Kabataan upang maipadama sa kanila ang pag-ibig, malasakit at kalinga sa kabila ng ilan sa kanila ang hindi makapag-aral dulot ng matinding kahirapan. Habang ang iba naman ay dumaranas ng pang-aabuso.

Kasabay nito, pinangunahan din ng mag-asawang Frasco ang “Pasko Tree Lightning Ceremony” sa Munisipalidad ng Liloan. Kung saan, ibinida ng kongresista sa kaniyang mensahe ang mga nagging achievements nito ngayon para sa Liloan na nagbigay ng napakalaking tulong para sa mga residente dito.