Frasco

House Deputy Speaker Duke Frasco inilunsad ang Team Frasco Food Truck

Mar Rodriguez Oct 18, 2023
231 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4Bilang tugon sa malnutrition

TINUGUNAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang issue ng malnutrisyon sa mga estudyante sa pamamagitan ng paglulunsad nito ng “food truck” na tinaguriang “meals on wheels” na magbibigay ng kaukulang benepisyo para sa mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang bayan ng Cebu City.

Sinabi ni Frasco na hindi dapat maging balakid ang nararanasang kagutuman o hunger ng mga kabataang mag-aaral para hindi nila maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Kung kaya’t bilang solusyon sa nasabing problema ay napag-kaisahan nilang maglunsad ng “meals on wheels program”.

Bukod sa programang ito, tiniyak din ni Frasco na ipagpapatuloy din nila ang pagkakaloob ng iba pang oportunidad para sa tinatawag na “economic advancement” o pag-unlad ng mga mamamayan ng Cebu City kabilang na ang pagkakaroon ng mga programa para sa mga kabataang estudyante.

Ayon kay Frasco, nakatakda din siyang maglunsad ng programa para sa mga mahihirap na kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaloob ng “scholarship program” para sa mga indigent students na hindi kayang pag-aralin ng kanilang magulang dahil sa kahirapan.

“We believe that no child should have to endure hunger as an obstacle to learning. Apart from the “meals on wheels” initiative. We will also continue to provide opportunities for economic advancement for the youth and their families by providing scholarships for thousands of students,” sabi ni Frasco.

Aminado ang kongresista na maraming problema ang kasalukuyang kinakaharap ng mga estudyante at mga guro bunsod naman ng kakulangan ng maayos na school building. Kaya tiniyak ni Frasco na patuloy nitong susuportahan ang mga proyekto para sa pagpapatayo ng mga bagong building at classrooms. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng mga covered courts.