PCSO

Mananaya sa Cavite tumama ng P147M jackpot sa SuperLotto

112 Views

ISANG mananaya sa Silang, Cavite ang tumama ng P147.3 milyong jackpot price ng SuperLotto 6/49 sa bola noong Linggo, Oktobre 15.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa ang nakakuha ng winning number combination na 47 – 35 – 02 – 13 – 38 – 17.

Nanalo naman ng tig-P50,000 ang 40 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P1,200 naman ang tinamaan ng 1,659 mananaya na nakaapat na numero at tig-P50 naman ang 32,968 mananaya na nakatatlong numero.