BBM Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

House leader nagbabala: PBBM nanganganib ang buhay sa bawat araw na delayed VP Sara trial

11 Views

NAGBABALA ang isang lider ng House of Representatives nitong Miyerkules na lumalaki ang banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bawat araw na naaantala ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

“We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent tendencies—she has made direct threats before, and we would be foolish to ignore the possibility that she may act on them,” pahayag ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

“Napakarami nang puwedeng mangyari sa limang buwan ng pagkaantala ng Senate trial. Let’s not be naïve—every day this trial is stalled, the threat to the President’s life grows, so is the ‘kill’ threat to the First Lady, Liza Araneta Marcos, and our own Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez. This is not just about legal technicalities; this is about ensuring the safety and stability of our country,” dagdag niya.

Binanggit ni Acidre ang umano’y limang buwang pagkaantala ng impeachment trial sa Senado, na aniya’y hindi lang isang isyung pampulitika o legal kundi isang seryosong banta sa pambansang seguridad.

Tinukoy niya ang mga nakaraang pahayag at kilos ng Bise Presidente, na ayon sa kanya ay nagpapakita ng “pattern of aggressive and reckless behavior.”

Isa sa mga binigyang-diin niya ang insidente noong Nobyembre 23, 2024, kung saan nagbanta umano si Duterte na kung siya ay paslangin, may inatasan na siyang pumatay kay Pangulong Marcos, sa First Lady at kay Speaker Romualdez.

“The Vice President’s past behavior, including her infamous public outbursts and use of force, should not be dismissed,” ani Acidre.

“Hindi malayo na she will harm the President. She has already demonstrated what she is capable of. If we continue to delay justice, we may be placing our Commander-in-Chief in serious danger,” aniya pa.

Hinimok niya ang Senado na kumilos nang mabilis at may paninindigan, idiniing ang pagkaantala ng paglilitis ay nagbibigay lamang ng lakas ng loob sa mga taong umaasa sa kawalan ng pananagutan.

Iginiit din ng House leader na walang sinuman ang dapat lampas sa batas at hindi dapat gamitin ang due process bilang panangga upang protektahan ang makapangyarihang indibidwal.

“Walang sinuman ang dapat makaligtas sa batas, lalo na kung may banta sa pinakamataas na lider ng bansa,” wika ni Acidre.

Habang ibinabala ni Acidre ang lumalaking panganib sa buhay ng Pangulo, ng First Lady at ni Speaker Romualdez sa pagkaantala ng paglilitis, may mga House impeachment prosecutor na nagpapaalala sa Senado na may malinaw na utos ang Konstitusyon na dapat agad na simulan ang trial.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, nakasaad sa Konstitusyon na dapat “to proceed forthwith” ang paglilitis ng Senado kung ang impeachment complaint ay inendorso ng hindi bababa sa isang-katlo ng mga miyembro ng House.

Ang impeachment complaint laban kay Bise Presidente Duterte ay nilagdaan ng 215 mambabatas—higit sa dalawang-katlo ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara.

Dagdag pa rito, 25 pang mambabatas ang nagpahayag ng kanilang intensyong sumama sa petisyon sa pamamagitan ng pagsusumite ng verification forms.

Ayon kay 1986 Constitutional Commission member Rene Sarmiento, may kapangyarihan ang Senado na magtipon bilang impeachment court kahit nasa recess ang Kongreso dahil sa halalan ngayong Mayo.