Chaka pero habulin ng babae
Jan 22, 2025
Grade 8 dinaliri, hinalay ng 24-anyos na helper
Jan 22, 2025
Meralco hiniling magbigay ng mas malaking refund
Jan 22, 2025
Lalaki dumayo, gumala ng may dalang baril, arestado
Jan 22, 2025
Kelot na walang habas na nagpaputok ng baril, timbog
Jan 22, 2025
Calendar
Health & Wellness
Ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa naitala
Peoples Taliba Editor
Aug 23, 2022
225
Views
NAITALA na sa bansa ang ikaapat na kaso ng monkeypox virus.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang nahawa ay 25-taong gulang na walang travel history sa mga bansa na mayroong kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Nagpositibo umano ang pasyente sa isinagawang RT-PCR test sa DOH-RITM noong Agosto 19.
Hindi naman isinapubliko ng DOH kung saan nakatira ang ikaapat na pasyente na ngayon ay naka-isolation na.
Labing–apat umano ang natukoy na close contact nito, pito sa mga ito ay nasa quarantine facility na.
Sinabi ng DOH na walang kaugnayan ang apat na nahawa ng monkeypox sa isa’t isa.