Recruit

Illegal recruitment suspek laglag sa parak

Edd Reyes Mar 15, 2025
12 Views

HIMAS-REHAS ang illegal recruitment suspek na natumbok ng mga pulisya sa Angono, Rizal noong Huwebes.

Alas-6:40 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena si alyas Boy, 54, sa Eastridge Avenue, Brgy. San Roque, Angono, Riza.

Ayon kay Taguig Police Chief P/Col. Joey Goforth, dalawang warrant of arrest sa akusado ang inilabas para sa mga kasong illegal recruitment na parehong may inilaang piyansang tig- P120,000.

Noong Disyembre 17, 2024, naglabas din ng warrant of arrest si Laoang, Northern Samar RTC Presiding Judge Ricardo Estavillo Amos ng Branch 22 laban sa akusado para sa kaso ring illegal recruitment na may inilaan ding piyansang P120,000.

Ang isa sa seryoso at pinakamabigat na kasong kinakaharap ng akusado ang Illegal Recruitment by a Syndicate-Economic Sabotage na walang inirekomendang piyansa habang mayroon di siyang kasong estafa na inilabas ni Mandaue City RTC Judge Joe Noel Lawas ng Branch 84.