Imbestigasyon ng BIR sa mga kompanya ni. Guo aprubado kay Sens. Win, Risa

114 Views

PINURI ng dalawang senador ang Bureau of Internal Revenue (BIR) partikular ang hepe nito na si Commissioner Romeo Lumagui Jr. na nag-utos na imbestigahan ang mga kompanya na diumano’y pag aari ni Bamban Mayor Alice Guo.

Sinabi nina Sens. Sherwin Gatchalian at Risa Hontiveros na handa silang makipagtulungan sa BIR para maibigay ang lahat ng mga kinakailangang dokumento para sa ginagawang imbestigasyon laban sa alkalde.

“During the last hearing, we pointed out that the declared income of the Guo companies are not commensurate to Mayor Alice Guo’s assets and investments.

This is an indication that there are external sources that’s not declared in their company’s tax returns,” ani Gatchalian.

Kapuri-puri ang hakbang ng BIR na halukayin ang mga kumpanya ni Guo, ng kanyang mga partners gayundin ng mga negosyo ng pamilya Guo.

Para kay Sen. Hontiveros, mataas ang posibilidad na maraming dapat sagutin ang mayora at ang kanyang mga kompanya sa gobyerno.

Bukas palad ani Hontiveros na makikipag koordinasyon sila sa BIR kung kakailangan ng mga ito ang tulong ng kanilang komite.

“Sa malaot madali malalaman din natin ang buong katotohanan. Ang payo ko kay Mayor Guo sabihin na lang ang totoo bago mahuli ang lahat,” ani Hontiveros.

Nanawagan din ang BIR sa taumbayan na tulungan silang halukayin ang mga kinakailangang impormasyon sa imbestigasyon kung mayroon ngang pananagutan si Mayora Guo at ang kanilang mga kumpanya sa gobyerno.