Incumbent mayor, gov, solon nanguna sa survey

309 Views

SA latest survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) lumitaw na karamihan sa mga nanunungkulan na tumatakbong muli sa election o sa ibang posisyon ay nananatiling pinakagustong kandidato ng mga botante.

Sa Quezon City, si Mayor Joy Belmonte pa rin ang no. 1 choice dahil sa mahusay na pamamahala na nakakuha ng 65% ng boto habang 32% naman kay Cong. Mike Defensor sa karera para sa alkalde ng lungsod.

Sa Ilocos Sur, si Mayor Eric Singson ng Candon City ang top choice ng mga botante para sa local chief executive position na may napakataas na 92% kumpara kay Aris Valdez na may 7% lamang.

Sa Negros Oriental, si Cong. Manuel “Chiquiting” Sagarbarria ang namamayagpag sa District 2 at nakakuha ng 70% na supporta laban kay dating Cong. George Arnaiz na may 25%.

Sa Province of Cebu, kumbinsido ang mga botante na ihalal muli si Gov. Gwen Garcia kaya nagtala ng mataas na 78% points kumpara kay dating Tourism Sec. Ace Durano na kamakailan lang ay convicted sa Sandiganbayan sa kasong katiwalian kaya nakakuha lang ng 15%.

Sa Cebu City, leading si City Councilor Tumulak na nakakuha ng 38% score para sa mayor. Kung ikukumpara, si Mayor Mike Rama ay suportado ng 30% ng mga botante at sinundan ng asawa ni dating Mayor Tommy Osmena na si Margot Osmena na may 25%

Sa Zamboanga del Norte, si re-electionist Mayor Darel Uy naman ang preferred choice na may 73% voters support. Ang katungali na si ex- Sibugay Gov. Rommel Jalosjos na tumatakbo sa pagka Mayor ng Dipolog City ay may 17% score lamang. Samantalang, si ex. Dipolog Mayor Belen Uy na tumatakbong Governor ng Zamboanga del Norte ay nakakuha ng 57% voters preference score laban kay Dapitan City Mayor Nene Jalosjos na may 25 percentage score naman.

Ang “Halalan 2022 Nationwide Survey” na bahagi ng naunang ni release ni RPMD kung saan BBM-Sara ang nanguna sa nationwide survey na ginanap nuong January 22-30, 2022 ay gumamit ng random sampling na may kabuuang 10,000 rehistradong botante (margin of error 1+/-% hanggang 3+/-%) bilang mga respondent sa iba’t ibang bahagi ng bansa nagpapatupad ng mga personal na panayam, sabi ni Dr. Paul Martinez ng RPMD.