Calendar
Init sa NAIA inamin ng MIAA; 3 chillers nasira
NAGBIGAY ng abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng init sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos magkaroon ng aberya sa ilang chillers ng paliparan.
Ayon sa MIAA, natukoy na tumataas ang temperature ng Chillers 1, 2 at 4.
Bilang pag-iingat at upang maiwasan ang mas malubhang pinsala sa buong cooling system, napilitan ang MIAA na itigil ang operasyon ng mga chillers upang masuri ang problema.
Bahagi ng kanilang aksyon ang pagsasagawa ng descaling, paglilinis at swabbing sa mga apektadong chillers upang matiyak na manumbalik ang tamang operasyon nito.
Naglagay ang MIAA ng mga cooling fan sa mga apektadong lugar.
Nagdulot ng inis, galit at abala sa mga pasahero, empleyado at mga katuwang nito ang mainit na temperatura sa NAIA.
Nangako ang MIAA na ginagawa nila ang lahat upang maayos ang sitwasyon.
Inaasahang matatapos ang troubleshooting kinabukasan ng umaga at inaasahan na mas magiging malamig ang temperatura pagsapit ng tanghali.