Inton

Inton: Karangalan ang pagka-una ng Hermosa sa CL health programs

Christian Supnad Oct 5, 2024
118 Views

UNA ang Hermosa, Bataan sa mga health programs sa Gitnang Luzon, ayon sa mayor ng bayan na si Jopet Inton.

โ€Isang karangalang nagpapatunay ng dedikasyon sa serbisyong medikal, kinilala ang Hermosa ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐†๐ข๐ญ๐ง๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง para sa programang ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ฉ๐š๐ญ, ๐†๐š๐ซ๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฌ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐€๐›๐จ๐ญ ๐Š๐š๐ฆ๐š๐ฒ ๐๐š๐ซ๐š ๐’๐š ๐‹๐š๐ก๐š๐ญ, isang Good Practice ng Hermosa na bahagi ng Universal Health Care (UHC) initiative,โ€ sabi ng opisyal.

Ang pagkilala ginawa noong 10th Central Luzon Excellence Awards sa Quest Plus Conference Center, Clark City, Pampanga.

May kalakip na P100,000 check ang award, ani Mayor Inton.
Ang parangal na ito tinanggap ni Mayor Inton, kasama si Konsehala Luz Samaniego at Municipal Health Officer na si Dr. Warren Valencia, kasama sina Marianne Maรฑago, RN, Program Coordinator-GPH Gt UHC; Mary Ann Lescano, Nurse 1; at ang Development Management Officers ng Bataan na sina Norel Reyes, DMO IV, at Francisco Hermoso, DMO V, na naging katuwang sa tagumpay na ito.

โ€œLubos ang ating pasasalamat sa walang kapagurang serbisyo ng ating Municipal Health Office sa mabilis, maaasahanat mataas na kalidad ng serbisyong medikal na ating ipinagkakaloob sa mga Hermoseรฑo.

Ipinakikita ng parangal na ito na sa bawat hakbang, patuloy nating itinataas ang antas ng serbisyong inilalaan sa ating bayan,โ€ dagdag ni Mayor Inton.